December 23, 2024

Home SHOWBIZ

'Pray for me:' Shaira Diaz, sumailalim sa operasyon!

'Pray for me:' Shaira Diaz, sumailalim sa operasyon!
Photo Courtesy: Shaira Diaz (IG)

Sumailalim umano sa laparoscopic appendectomy. ang Kapuso actress na si Shaira Diaz dahil umano sa appendix na triple ang laki sa normal na sukat nito.

Sa latest Instagram post ni Shaira nitong Miyerkules, Oktubre 9, inilarawan niya kung gaano raw kalaki ang nakuhang appendix sa kaniya.

“I underwent a laparoscopic appendectomy. Ang normal appendix daw ay kasing nipis at liit ng eyelid, ang nakuha sakin ay triple o higit pa ng laki niya. Mabuti na lang talaga at hindi pumutok,” saad ni Shaira.

Ayon sa Kapuso actress, grabe raw ang takot, hirap, at sakit na dinanas niya. Gayunman, nagpapasalamat pa rin daw siya sa Diyos dahil nairaos ang operasyon.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Salamat din po at ginabayan Ninyo ang buong medical team ko po during the procedure.. salamat po sa pagaalaga n’yo sakin doctors and nurses of Perpetual Help Medical Center Thank you Baba, Daddy and Mama,” dugtong pa niya.

Sa kasalukuyan, bagama’ tagumpay umano ang operasyon, humihingi pa rin si Shaira ng dasal sa publiko.

Aniya: “I’m now recovering but still in pain so please pray for me. Maraming salamat.”

Nagpaabot naman ng panalangin at mabubuting mensahe ang mga kasamahan ni Shaira sa industriya tulad nina Mav Gonzales, Bernadette Reyes, Jean Garcia, Allan K., Arra San Agustin, at marami pang iba.

Get well, Shaira!