October 23, 2024

Home SHOWBIZ

James Yap, isang dekada na raw 'di nakikita si Bimby

James Yap, isang dekada na raw 'di nakikita si Bimby
Photo Courtesy: James Yap, Kris Aquino (IG)

Tila maraming namintisang pagkakataon bilang ama ang basketball player na si James Yap sa anak niya kay Queen of All Media Kris Aquino na si Bimby.

Sa panayam ng media kay Yap nitong Martes, Oktubre 8, nang maghain siya ng certificate of candidacy (COC) sa pagkakonsehal sa first district ng San Juan City ay isiniwalat niyang isang dekada na raw niyang hindi nakikita ang anak.

"Wala na, 10 years na," saad ni Yap nang mausisa tungkol dito.

Matatandaang napag-usapan kamakailan ang posibilidad na magkita ang mag-ama nang maiulat na nasa Pilipinas umano si Bimby.

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

MAKI-BALITA: Bimby, willing makipagkita sa amang si James Yap?

Pero sa kasalukuyan, base sa sagot ni Yap, mukhang hindi talaga sila nagkita ni Bimby.

Ikinasal sina Yap at Kris noong 2005 sa pamamagitan ng isang civil wedding. Pero bago sila tuluyang magkahiwalay noong 2010, isinilang ni Kris si Bimby noong 2007.