October 09, 2024

Home SHOWBIZ

Bruno Mars, napansin kalokalike niya sa 'It's Showtime'

Bruno Mars, napansin kalokalike niya sa 'It's Showtime'
Photo Courtesy: Bruno Mars (IG) Screenshots from GMA Network (YT)

Napukaw ang atensyon ni Filipino-American singer-songwriter Bruno Mars sa kahawig niyang sumali sa hit segment ng “It’s Showtime” na “Kalokalike Face 4.”

Matatandaang kinabiliban si Kent Villarba a.k.a. Bruno Mars ng Cebu City dahil sa kaniyang naging performance sa “It’s Showtime.”

Ayon kasi sa mga nakapanood ay kuhang-kuha raw ni Kent ang boses ni Bruno nang kantahin nito ang "Just The Way You Are," "Grenade,"  "When I Was Your Man," at "Die With A Smile."

Kaya naman hindi nakapagtataka na maging si Bruno ay napansin ang ipinamalas na performance ni Kent sa entablado ng nasabing noontime show.

Tsika at Intriga

Mark Anthony Fernandez, napa-react matapos sabihang 'Only Legend Knows'

Sa Instagram story ng Fil-Am singer-songwriter kamakailan na ngayo’y expired na, makikitang shinare niya ang full performance ng kaniyang kalokalike.

Si Bruno—na bagama’t ipinanganak sa Hawaii at anak ng ama niyang Puerto Rican—ay may dugong Pinoy umano dahil sa nanay niya na isang Pilipina.

MAKI-BALITA: Bruno Mars kalokalike hinangaan: 'Kaboses talaga!'