October 08, 2024

Home SHOWBIZ

KC Concepcion, gumanda ang feeling nang magkasundo mga magulang

KC Concepcion, gumanda ang feeling nang magkasundo mga magulang
Photo Courtesy: KC Concepcion (FB)

Tila nasa maayos na kalagayan ngayon ang aktres na si KC Concepcion matapos ang matagumpay na “Dear Heart” concert ng kaniyang mga magulang na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.

Sa ulat ng ABS-CBN News noong Linggo, Oktubre 6, sinabi ni KC na iba raw sa pakiramdam kapag nagkasundo ang mga magulang.

“Iba pa rin ang feeling kapag magkasundo ‘yong mga magulang mo. Maganda ‘yong feeling for me. I love my mom and I love my dad. I love my family,” saad umano ni KC sa isang panayam.

“It is a good example sa buhay ko. Itong parents ko na ‘di na nagsasama pero nakakagawa pa ng magandang bagay sa buhay nila,” wika niya.

Tsika at Intriga

Jen Barangan, kinuyog matapos mag-lights on recording sa Olivia Rodrigo concert

Ayon pa sa aktres, napakasaya raw niya dahil muling nagkatrabaho ang mga magulang niya at nakakapagbigay pa ng inspirasyon sa ibang tao at the same time.

“Napaka-happy ko na nagtatrabaho sila ulit together. Napaka-gandang feeling sa lahat. It talks about friendship, forgiveness. ‘Di porket naghiwalay ibig sabihin kailangan magka-away. It is an inspiration for all of us,” aniya.

Matatandaang last year ay nagbahagi pa si KC ng excitement sa “pagbabalikan” ng kaniyang mga magulang sa pamamagitan ng Instagram post.

MAKI-BALITA: KC Concepcion, excited na sa ‘balikan’ ng mga magulang