October 07, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kiko, nahirapan nga bang makarelasyon si Sharon?

Kiko, nahirapan nga bang makarelasyon si Sharon?
Photo Courtesy: Screenshot from Bernadette Sembrano (YT), Kiko Pangilinan (IG)

Nausisa si dating senador Francis “Kiko” Pangilinan kung ano nga ba ang pakiramdam na maging asawa ang nag-iisang Megastar Sharon Cuneta.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano kamakailan, inamin ni Kiko na tila mahirap umano noong umpisa.

“Well, of course, in the beginning medyo [mahirap]. Siyempre ‘yong privacy mo biglang ganyan. But in the end, ano ba ang paniniwala mo? What do you value, ‘di ba?” saad ni Kiko.

“Do you value family life, do you value marriage, do you value being a father? I mean, those are the important things, e,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Joshua, binati ni Emilienne sa kaniyang 27th birthday

Maliban dito ay ibinahagi rin ni Kiko kung paano niya hinaharap ang mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa pakikipagrelasyon niya sa Megastar.

“Society can be so shadow din na sasabihin ‘ay, yaman kasi ni Sharon’ [at] ‘ay, papasok kasi sa politika ‘yan.’ You had to deal with those things, of course,” ani Bernadette.

“Yeah, but in the end sabi nga, alam ko kung ano ‘yong totoo, e. Na tapat ‘yong aking hangarin and malinis ‘yong aking hangarin,” sagot ni Kiko.

Matatandaang noong 2023 ay ilang ulit naging sentro ng intriga ang relasyon nina Sharon at Kiko.

MAKI-BALITA: Sharon, ‘di masaya kay Kiko?

MAKI-BALITA: Sharon, Kiko hiwalay na nga ba?

Pero sa kasalukuyan, 28 taon nang nagsasama ang mag-asawa sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap nila.

Ayon nga sa dating senador: “They can say all they want. But in the end, you know, through thick and thin love conquers all.”