November 09, 2024

Home BALITA Eleksyon

'It's time!' Middle class, pagtutuunan ng pansin ni Erwin Tulfo sa senado

'It's time!' Middle class, pagtutuunan ng pansin ni Erwin Tulfo sa senado
Photo Courtesy: Ralph Mendoza/Balita

Ibinahagi ni broadcast-journalist at dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang ilan sa mga magiging pokus niya sa oras na siya ay manalo bilang senador sa 2025 midterm elections.

Sa panayam kasi ng media kay Erwin nang maghain siya ng certificate of candidacy (COC) ngayong Linggo, Oktubre 6, sa The Manila Hotel Tent City, naitanong sa kaniya kung ano raw ang kaniyang unique selling proposition kumpara sa dalawa niyang kapatid na sina Ben Tulfo at Raffy Tulfo.

“All us like are pro-poor, ‘yong plataporma lagi namin. [...]. Pero we always forget the one in the middle. ‘Yong mga middle-class, ‘yong mga uring-manggagawa, nakakalimutan minsan o kadalasan naiiwan. 

“Because naka-focus ang sentro ang gobyerno ngayon sa mga nasa laylayan. Papaano ‘yong nasa middle class? Papaano ‘yong mga professionals; ‘yong mga below middle class; ‘yong mga nagtatrabaho sa fast food; mga sales clerk; mga guwardiya? Paano sila?” wika niya.

Eleksyon

Mula WPP: Apollo Quiboloy, nais nang tumakbong senador bilang ‘independent’

Kaya mungkahi ni Erwin: “Siguro it’s time to we also look at doon sa mga kababayan natin na hindi masyadong napapansin—‘yong nasa middle.”

Si Erwin ang pangalawang Tulfong tatakbo sa pagkasenador para sa 2025 midterm elections. Matatandaang nauna nang maghain ng kandidatura ang kapatid niyang si Ben nitong Sabado, Oktubre 5.

MAKI-BALITA: Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

MAKI-BALITA: Erwin Tulfo sa political dynasty: 'Let people decide'