October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Singer Olivia Rodrigo at boyfie, spotted daw sa Intramuros?

Singer Olivia Rodrigo at boyfie, spotted daw sa Intramuros?
(contributed photos)

Tila sinuwerte ang ilang fans ni Fil-Am singer Olivia Rodrigo matapos nilang makita umano nang malapitan sa personal ang kanilang idolo ngayong Biyernes, Oktubre 4, 2024 sa Intramuros sa Maynila.

Spotted umano si Olivia sa iba’t ibang tourist spot sa Intramuros, kung saan kasama niya ang umano’y romantic partner at aktor na si Louis Partridge. Makikita rin sa social media ang iba’t ibang kuha ng netizens kung saan ilan sa mga sinubukan ni Olivia ay ang “bambike,” pagbisita sa Baluarte de San Diego at Casa Manila. Matatandaang nitong Huwebes, Oktubre 3, 2024 nang dumating sa bansa ang 21-anyos na singer para sa kaniyang nalalapit na “GUTS world tour,” na gaganapin sa Philippine Arena sa Oktubre 5, 2024. 

Samantala, kamakailan lang ay tuluyan nang inanunsyo na sold-out na umano ang ticket para sa concert ni Olivia, na dinumog ng fans matapos ang animo’y bagsak presyo niyang ticket pricing.

KAUGNAY NA BALITA: Presyo ng ticket concert ni Olivia Rodrigo sa Pilipinas, nagpa-wow sa fans

ALAMIN: Viral OOTD ni Carlos Yulo, magkano nga ba?

Kate Garcia