October 04, 2024

Home SHOWBIZ

ALAMIN: Viral OOTD ni Carlos Yulo, magkano nga ba?

ALAMIN: Viral OOTD ni Carlos Yulo, magkano nga ba?

Hindi naman pala basta pose ang pag-flex ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa kaniyang viral Outfit Of The Day (OOTD), dahil si Golden Boy? Tila lowkey ding ibinalandra ang presyo ng kaniyang outfit!

Matatandaang inulan ng samu’t saring reaksiyon ang Instagram post ni Caloy matapos niyang ibahagi ang kaniyang OOTD, suot ang crop top at Louis Vuitton brands noong Setyembre 29, 2024. 

KAUGNAY NA BALITA: Chloe, inurirat kung crop top niya suot ni Caloy

Bunsod ng nasabing post, naglabasan tuloy ang iba’t ibang bersyon ng mga male personalities na minsan na ring ibinida ang kani-kanilang crop top outfits. Kaya naman sa pagdagdag ni Caloy sa listahan ng mga kalalakihang nagsuot ng crop top, tila siya pa rin ang number one dahil sa umano’y bigating presyo ng kaniyang outfit!

‘Walang arte!’ Jodi Sta. Maria, hinangaan sa pagkain ng street foods

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Male personalities na 'slaying' sa pagsuot ng crop top

Narito ang umano’y breakdown ng presyo ng OOTD ni Golden Boy ayon sa isang online fashion magazine na Preview.

Graphic Badge Slim 3 Stripe Tee

Ang trending Adidas crop top ni Caloy ay ‘di umano’y nagkakahalaga ng tinatayang ₱2,082, kaya naman pati ang official Adidas Instagram account ay hindi rin naiwasang magkomento sa post ni Caloy.

“Gold medal fit!” saad ng brand sa comment section.

OnTheGo East West Handbag at LV Coin Purse

Tinatayang nasa ₱179,228 umano ang LV bag na nakasabit sa matipunong katawan ng Olympic champion. Hindi lang ‘yan, bukod sa gintong presyo ng nasabing bag, hindi rin pala biro ang presyo ng LV coin purse nito na nagkakahalaga umano ng ₱22,524.

Adrian Leather Platform Tassel Loafers

Ang blackshoes naman ni Caloy? Tinatayang  ₱10,081 naman.

Tila kinumpleto ni Caloy ang presyo ng kaniyang OOTD from mula pantaas hanggang talampakan!

Anong sey mo? Aawra ka rin ba ng ganitong kamahal o mas mahal pa kung isa kang milyonaryo?

Kate Garcia