Sabay-sabay na naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) ang 11 senatorial aspirants ng Makabayan bloc ngayong Biyernes, Oktubre 4 sa The Manila Hotel Tent City.
Pinangunahan ito ni Bayan Secretary-General Renato Reyes nang ipakilala na rin niya ang mga kandidato ng Makabayan.
Ang mga kakandidatong senador sa Makabayan slate ay sina: Liza Maza (Gabriela Party-list), Mody Floranda (PISTON), Mimi Doringo (KADAMAY), Jocelyn Andamo (Filipino Nurses United), Ronnel Arambulo (PAMALAKAYA), Danilo Ramos (Kilusang Magbubukid ng Pilipinas/KMP), Teddy Casiño (Bayan), Jerome Adonis (Kilusang Mayo Uno/KMU), Rep. Arlene Brosas (Gabriela Party-list), Rep. France Castro (ACT-Teachers), at Amirah Lidasan (Sandugo).