October 05, 2024

Home BALITA Eleksyon

Unang araw ng filing ng COC, medyo matumal--Comelec

Unang araw ng filing ng COC, medyo matumal--Comelec
photo courtesy: MJ Salcedo/Balita

Sinabi ni Comelec chair George Garcia na medyo matumal ang unang araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) ngayong Martes, Oktubre 1, para sa 2025 midterm elections.

"Sa monitoring natin sa buong NCR at sa ibang parte ng ating bansa, maayos ang nagiging filing ng certificate of candidacy, medyo matumal dahil unang araw. Nagbabantayan ang mga magkakalaban at the same time 'yung iba naman siguro ay ipinagpapabukas na lamang o sa kalagitnaan ng filing ng candidacy," saad ni Garcia sa isang ambush interview.

Dagdag pa niya, maayos ang pagsasagawa ng filing. 

"So far, napakaayos kasi kahit papaano 'yung mga supporters, lalo rito sa atin [sa] labas ng Manila Hotel, ay pinapanatili naman nila 'yung kaayusan. Wala naman 'yung mga magugulo o 'yung nagkakaroon ng initan pero may ilang mga areas lang tayo na minomonitor..." anang Comelec chair. 

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

Kasalukuyang nagaganap ngayon ang paghahain ng COC sa Manila Hotel, at matatapos naman ito sa Oktubre 8.