October 11, 2024

Home BALITA Eleksyon

Rendon, may paalala sa mga kumakandidatong vloggers

Rendon, may paalala sa mga kumakandidatong vloggers
PHOTO COURTESY: NCRPO PIO VIA RENDON LABADOR/FB

"Huwag ninyong gawing content ang Pilipinas ‍."

May paalala ang social media personality na si Rendon Labador sa mga kaibigan at kakilala niyang vloggers o content creators na naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) ngayong Martes, Oktubre 1.

"Ang pagpasok sa politika ay hindi content content lang at vlog vlog lang, seryosohin sana natin ang paglilingkod sa bayan," saad ni Labador sa isang Facebook post ngayong unang araw ng filing ng COC para sa 2025 midterm elections.

"Basta nasa tama ang inyong pinaglalaban, suportado ko kayo! Tulungan nating umunlad ang Pilipinas," dagdag pa niya. 

Eleksyon

'Hindi ako nag-iisa sa laban' Abalos, hanga kay Pacquiao

Ngayong araw, umingay ang pangalan ng social media personality at negosyanteng si Rosmar Tan matapos maghain ng COC para sa pagka-konsehal ng 1st district ng Maynila.

BASAHIN: Rosmar, tatakbong konsehal sa Maynila: 'May nag-push po sa akin...'