October 02, 2024

Home BALITA Eleksyon

Ion Perez, tatakbong konsehal sa Tarlac

Ion Perez, tatakbong konsehal sa Tarlac
Photo Courtesy: Tarlac Forum (FB)

Opisyal na ang kandidatura ng jowa ni “It’s Showtime” host Vice Ganda na si Ion Perez bilang konsehal ng Concepcion, Tarlac.

Sa ulat ng Tarlac Forum nitong Martes, Oktubre 1, nag-file na umano si Perez ng certificate of candidacy (COC) para tumakbo sa nasabing posisyon sa darating na 2025 midterm elections.

Pero bago pa man ito ay nauna nang nanumpa si Perez bilang bagong kasapi ng Nationalist People’s Coalition  na ginanap sa municipal hall ng Concepcion.

Nasa ilalim si Perez ng partido ni Tarlac Governor Susan Yap.

Eleksyon

Lacuna at Servo, sabay na maghahain ng COC sa Oktubre 3

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon si Perez o maging si Vice Ganda kaugnay sa nasabing balita.