Sabay na naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sina incumbent Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sa Amoranto Sports Complex, Quezon City nitong Martes, Oktubre 1.
Sina Belmonte at Sotto ay tatakbo sa ilalim ng Serbisyo sa Bayan Party (SBP) para sa kanilang ikatlong termino.
Kasama nila sa paghahain ng COC sina dating House Speaker Sonny Belmonte at dating Senate President Vicente "Tito" Sotto III.