September 29, 2024

Home SHOWBIZ

Sofia Andres, nakita na lalaking hina-hunting niya

Sofia Andres, nakita na lalaking hina-hunting niya
Photo Courtesy: Sofia Andres (FB)

Natagpuan na ng aktres na si Sofia Andres ang vlogger at content creator na si Joel Ravanera o kilala bilang “Malupiton.”

Sa Facebook post ni Sofia nitong Sabado, Setyembre 28, makikita ang serye ng mga larawan nila ni Joel nang magkasama.

“Thank you for the time and salamat sa mabuti mong puso,” saad ni Sofia sa caption ng post.

Dagdag pa niya: “Don’t forget to pray & always thank Him for the blessings, for your friends &  family. Wag mo kakalimutan boss!”

Tsika at Intriga

Chloe, inurirat kung crop top niya suot ni Caloy

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Lupit mo talaga bossing!!!"

"How I met your father. "

"Kupal kaba boss"

"Cutiee fan girl Ms. Sofia"

"ayyy wala naaa finish naa"

"Lakas idol ko yan eh c ma'am Sofia"

"Dreams do come true tlga"

"Wish granted na c sofia..sna all"

Matatandaang matapos maghayag ni Sofia ng interes na makita si Malupiton kamakailan ay nagkaroon sila ng pagkakataon na mag-usap sa pamamagitan lamang ng video call.

MAKI-BALITA: Sofia Andres, may pinapa-hunting na lalaki: 'Kupal ka ba?'