September 30, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Next goals? Caloy kay Chloe, 'Excited na ko maging daddy at asawa!'

Next goals? Caloy kay Chloe, 'Excited na ko maging daddy at asawa!'
Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose (FB)

Naintriga ang mga netizen kung malapit na bang ikasal sina Carlos Yulo at Chloe San Jose batay sa love letter na ibinigay ng una sa huli, para sa pagdiriwang ng kanilang 52nd monthsary.

Kalakip ng post ang mga larawan ni Caloy habang bitbit ang pulumpon ng mga bulaklak bago ibigay sa kaniya.

i love you endlessly Carlos - Chloe Anjeleigh San Jose | Facebook

Nagpasalamat din ang atleta sa lahat daw ng sakripisyo ng girlfriend para sa kaniya.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, pumalag: 'Di ako tatay ni Cassandra Ong!'

"Salamat ng marami mahal ko at sinamahan mo ko sa journey na ito, di naging madali pero di ka sumuko, katabi ko," ani Caloy.

"Alam kong marami pa tayong mapapag-daanan sa buhay, pero handa ako na salubungin lahat yon kasama ka," giit pa ng two-time Olympic gold medalist.

Nakalagay sa sulat na excited na si Carlos sa next goals nila: ang maging daddy at asawa na siya.

"We did it mahal ko! Now let's focus on our next goals! At siyempre, excited na ko maging daddy at asawa hehe," mababasa sa sulat.

Dahil dito, curious tuloy ang mga netizen kung ikakasal na ba ang dalawa.

"Ayanaaa na mag plan as a family na din kayooo happy for you both don’t mind the bashers let them bark! Wala namang naambag sa buhay ninyu yown! Always remember people who ain’t happy in others success are miserable in real life…"

"OMG ikakasal na ba kayo?"

"Lalong magagalit ang bashers hahaha."

"Naku bubula na naman ang bibig ng mga basher ninyo hehe."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Carlos at Chloe patungkol dito.

MAKI-BALITA: Chloe, kinilig sa pa-flowers at pa-letter ni Caloy sa 52nd monthsary nila