September 30, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Nag-quick lunch?' Richard at Barbie, binuking ng resto sa Maynila

'Nag-quick lunch?' Richard at Barbie, binuking ng resto sa Maynila
Photo courtesy: Manila Restaurant (FB)

Usap-usapan ang appreciation post ng isang restaurant sa Maynila matapos mag-quick lunch ang umano'y "rumored" love birds na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

Mababasa sa post ng Manila Restaurant, "Thank you Mr Richard Gutierrez and Ms Barbie Imperial for your visit and a quick lunch here in Manila Restaurant."

Thank you Mr Richard Gutierrez and Ms Barbie... - Manila Restaurant | Facebook

Kalakip ng post ang mga larawan ng dalawa kasama ang ilang staff at personalidad na konektado sa nabanggit na resto.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, pumalag: 'Di ako tatay ni Cassandra Ong!'

Kaya naman, tila "soft launch" daw ito ng dalawa na may "something" na talaga silang dalawa.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Leave them alone. Let them be happy. As SL said, she is single so Richard is single also so give Barbie benefit of the doubt. We dont know the whole story. -mema lang. Bawal ang judgemental."

"Yung nilolowkey niyo lang tapos pinost kayo nung kinainan niyong restaurant."

"Manila restaurant lang pala mag rereveal."

"Hahahahaha, nabubuking tuloy."

Matatandaang unang nabuking ang tila ugnayan ng dalawa nang talakayin ito sa entertainment vlog ni showbiz insider Ogie Diaz, nang lumutang ang alingasngas na naispatan daw na magkasama ang dalawa sa isang bar.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz may isiniwalat tungkol kina Richard Gutierrez at Barbie Imperial

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, nilalandi ba ni Barbie Imperial?

Ngunit ayon kay Ogie, si Barbie daw ay isa sa mga stakeholder ng nabanggit na bar, kaya natural lamang daw siguro na estimahin niya si Richard na kapwa niya artista at bumisita sa kanilang negosyo.

Subalit hindi roon nahinto ang sightings sa dalawa sa iba't ibang lugar, at ang huli nga, magkakasama sila sa ibang bansa ng kapwa "Incognito" stars na sina Maris Racal at Anthony Jennings.

MAKI-BALITA: Richard, Barbie iniintrigang magkasama dahil sa mga puno ng niyog

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Barbie Imperial naispatang magkasama sa South Korea?

MAKI-BALITA: Annabelle Rama, Richard Gutierrez spotted sa birthday ni Barbie Imperial