October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Deanna Wong, mas magaling daw humalik?

Deanna Wong, mas magaling daw humalik?
Photo courtesy: screenshot from GMA Network (YouTube), Ivy Lacsina (IG)

Hindi nakaligtas sa fast talk ang magkasintahang volleyball icons na sina Deanna Wong at Ivy Lacsina sa pag-imbita sa kanila sa Fast Talk with Boy Abunda.

Sa episode noong Setyembre 26, 2024 tahasang inamin ng “DeaVy” kung sino nga ba ang umano’y mas maging humalik sa kanilang dalawa.

“Sino ang mas magaling humalik?” pag-usisa ni Tito Boy.Sagot naman ni Deanna: “Ako.”

Nagkatinginan din sina Deanna at Ivy ngunit, animo’y hinayaan na lamang ni Ivy ang sagot ng girlfriend.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Sa naturang episode, inamin din ng dalawa na hindi umano naging madali ang relasyon nila lalo na’t hindi umano tanggap ng nanay ni Ivy si Deanna.

“Madami po kaseng pinagdaanan ‘yung sa amin, sa side ko po,” saad ni Ivy nang tanungin ang kahalagahan ng opinyon ng pamilya sa kanilang relasyon.

Laking gulat naman ni Tito Boy sa naging pahayag ni Ivy at muling nag-tanong.“So, in the beginning ayaw nila kay Boss D?” 

“Opo. Parang sa social media, ayaw makakakita ni mama ng mga pictures namin together,” saad ni Ivy.

Matatandaang inulan din ng samu’t saring komento ang relasyon ni Deanna at Ivy dahil sa umano’y hindi pa tanggap ng supporters ang kanilang relasyon matapos ang noo’y hiwalayan din ni Deanna at Creamline Cool Smashers Jema Galanza.

Bunsod nito, malimit na inuulan ng bashers ang comment section ng mga sweet photos ng DeaVy. 

Kate Garcia