October 05, 2024

Home SHOWBIZ

‘Choco butternut ‘yarn?’ Netizens dinogshow outfit ni DJ Khaled

‘Choco butternut ‘yarn?’ Netizens dinogshow outfit ni DJ Khaled

Kinaaaliwan ngayon ng ilang netizens ang larawan ni American executive producer, DJ Khaled kasama ang ilang miyembro ng K-Pop group na SEVENTEEN na sina Woozi, Vernon at Wingyu.

Ang naturang post ay nakuha ng netizens sa opisyal na Instagram account ni DJ Khaled noong Setyembre 23, 2024 kung saan tila may nakaambang proyekto ang K-Pop group na SEVENTEEN kasama siya.

“Bless up Stay tuned @saythename_17,” saad sa caption ni DJ Khaled.

DJ KHALED | Bless up Stay tuned @saythename_17 | Instagram

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Tila nagpatong-patong naman ang entry ng netizens tungkol sa suot ni DJ Khaled mula sa post ng isang fan sa X noong Setyembre 23, 2024.

“Bakit ‘yung damit ni DJ Khaled parang choco butternut?” saad ng fan sa kaniyang quote tweet na may kasama pang litrato ng mismong choco butternut.

Umabot na sa 518k views ang nasabing quote tweet na may 20k likes, 2.5k reposts at 286 quote tweets.

Narito ang ilan sa mga entry ng netizens sa umano’y “sponsored by DUNKIN” daw na outfit ni DJ Khaled.

“HAHAHAHAHAHAHA HELP NAMAN HAHAHA HOW TO UNSEE?”

“Choco butternut would eat out its wife.”

“Si Mingyu parang powder ng bear brand.”

“HAHAHAHAHA ANUBA?”

“This outfit is brought to you by DUNKIN”

“Respeto po sa choco butternut.”

‘Nilaro niyo na naman huhuhu”

Kate Garcia