October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mapupunta sa impyerno: Chloe sinunog basher na enabler, 'Let's go to hell together!'

Mapupunta sa impyerno: Chloe sinunog basher na enabler, 'Let's go to hell together!'
Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose (FB)

Hindi pinalampas ng kontrobersiyal na personalidad na si Chloe San Jose ang komento sa kaniya ng isang netizen, na nagsabing i-enjoy lang daw niya kung anong mayroon siya ngayon, bago siya mapunta sa impyerno.

Nagkomento ang nabanggit na hater sa Facebook post ni Chloe kung saan flinex niya ang sweet moment nila ng jowang si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, habang nasa South Korea.

"Dear Seoul, you had us at annyeonghaseyo," mababasa sa caption.

Banat ng basher, "Enjoy it while you can. Pagdating mo sa impyerno wala ng ganyan."

Tsika at Intriga

Barbie Imperial, banas sa pages na nega na nga, sinungaling pa!

Tirada naman ni Chloe sa kaniya, " so speaking ill of others is not going to take you too to hell? let's go to hell together sizt."

"Additionally, 'A FANATIC IS ALSO AN ENABLER,' says you na enabler ng toxic culture and behaviour---then pag pinatulan, triggered."

Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose (FB) via Fashion Pulis

Hindi naman na sumagot ang nabanggit na hater kay Chloe.