September 25, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Zeinab niluhuran si Ray Parks sa Japan

Zeinab niluhuran si Ray Parks sa Japan

Kinakiligan ng mga netizen ang pagluhod ng social media personality na si Zeinab Harake sa harapan ng kaniyang fiance na si Filipino-American basketball player Bobby Ray Parks, Jr., para hingin ang mga kamay nito para sa kanilang pagpapakasal.

Nangyari ang turn ng proposal ni Zeinab kay Ray Parks sa trip nila sa Japan, na mapapanood naman sa kaniyang vlog.

"Palitan na ng engagement ring, Soon wedding rings naman," mababasa sa caption ni Zeinab sa kaniyang social media posts.

"He said yes," aniya pa.

Relasyon at Hiwalayan

Medyo taken? Rabiya, nagsalita tungkol sa estado ng relasyon kay Jeric

Zeinab Harake - Palitan na ng engagement ring, Soon wedding rings... | Facebook

Matatandaang bandang Hulyo ay naganap ang engagement ng dalawa na talaga namang kinakiligan ng kanilang mga tagasuporta.

Sa isang panayam ng GMA Integrated News ay nagbigay ng ilang detalye si Zeinab sa kaniyang dream wedding.

"Ang dream wedding ko is kung gaano naging kabongga ang proposal, ayaw ko naman ng gano’n kabongga,” aniya.

Dagdag pa niya: “Gusto ko ‘yong mararamdaman ‘yong pagiging intimate ng love, ‘yon ang mas mangingibabaw kaysa ‘yong dami ng tao, so mamimili talaga ako. Kung sino lang ‘yong nasa tao sa buhay ko, ‘yon lang ang invited, simple lang.”

MAKI-BALITA: Kasalang Zeinab-Ray Parks, next year na!