October 05, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Ricardo Cepeda, magbabalik sa 'Batang Quiapo?'

Ricardo Cepeda, magbabalik sa 'Batang Quiapo?'
Photo Courtesy: Ricardo Cepeda, ABS-CBN PR (IG)

Naglahad daw ng tulong si Primetime King Coco Martin para sa aktor na si Ricardo Cepeda matapos nitong lumaya nang pansamantala.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Martes, Setyembre 24, sinabi ni Ricardo na ibabalik daw ni Coco ang karakter niya sa teleserye nitong “FPJ’S Batang Quiapo.”

"When I got the release, lahat ng kaibigan ko… Minessage ko, sabi ko 'confirmed na. I'm released.’ Right away nag-respond siya, sabi niya: 'they wanted to help me more than they could. Ibabalik namin ‘yong character mo," saad ni Ricardo.

“That was what I was promised. I was promised. Kampante ako na may waiting work. And ‘yan ‘yong worry ko, ‘yong eleven months na wala akong income. Puro labas ako ng labas ng pera for the legal expenses,” dugtong pa niya.

Teleserye

'Nakakagigil talaga!' McCoy De Leon, nagawa pang mag-picture bago magnakaw

Dagdag pa ni Ricardo, regular na tagasubaybay daw ng “Batang Quiapo” ang mga kasamahan niya preso sa kulungan maski ang mga jail guard at officer.

"’Yong centers may mga TV na malaki. Lahat nakakasilip, tapos consensus magvo-vote kung ano panonoorin na channel, lahat 'Batang Quiapo,’” aniya.

Sa kasalukuyan, bagama’t nananabik na, hindi pa raw makapagbigay ng eksaktong petsa si Ricardo kung kailan siya makakabalik sa “Batang Quaipo.”

Matatandaang bago mawala sa nasabing teleserye si Ricardo ay nagkatutukan pa sila ng karakter ni Christopher De Leon na si “Ramon.”

MAKI-BALITA: 11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya