May 22, 2026

Home BALITA National

Sen. Kiko, nirerespeto desisyon ni Mayor Leni pero pinakamalakas na pambato pa rin sa 2028!

Sen. Kiko, nirerespeto desisyon ni Mayor Leni pero pinakamalakas na pambato pa rin sa 2028!
Photo courtesy: MB File Photo

Ipinahayag ni Sen. Kiko Pangilinan na nirerespeto niya ang naging pinal na desisyon ni dating Vice President at ngayon ay Naga City Mayor Leni Robredo na hindi tumakbo sa 2028 presidential elections, bagama’t aminado siyang hindi siya sang-ayon dito.

Ayon kay Pangilinan, sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Abril 21, nananatili ang kaniyang paniniwalang higit na mapaglilingkuran ang pambansang interes kung sakaling magbago pa ng isip si Robredo at pakinggan ang lumalakas na panawagan ng mamamayan para pamunuan ang laban para sa tunay na serbisyo at mabuting pamamahala.

“We respect her decision even as we disagree with it,” ani Pangilinan.

Sinabi rin ng senador na sa kasalukuyan, si Robredo ang nasa pinakamainam na posisyon upang pag-isahin hindi lamang ang Liberal Party at mga kaalyado nito, kundi maging iba pang grupo at personalidad na posibleng lumahok sa 2028 elections.

"Today, given her rising poll numbers, I believe that Leni is in the best position to build the broadest and strongest unity not just amongst the ranks of the Liberal Party and our allies but to include all other groups and personalities outside our allied forces who are also looking to participating in the 2028 Presidential elections," aniya.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Aniya pa, habang tumataas ang survey numbers ni Robredo, mas marami ring politiko, civil society groups, at pribadong sektor ang maaaring sumuporta sa kaniya.

As her poll numbers grow, so will the number of politicians and groups of various political colors and civil society/private sector groups throwing their support behind her. A snowballing of support behind her bid is quite possible," dagdag niya.

Naniniwala si Pangilinan na kung si Robredo ang mamumuno sa oposisyon patungo sa 2028, maaaring mabuo ang isang mas malawak at mas inklusibong koalisyon kumpara sa nabuo noong 2022 elections.

Binigyang-diin din niyang sa gitna ng umano’y pinakamalaking corruption scandal sa kasaysayan ng bansa, lalong tumitindi ang panawagan ng publiko para sa good governance at pananagutan sa gobyerno.

“Now more than ever, our people are crying out for good governance and public accountability,” saad niya.

Nagbabala rin si Pangilinan na ang hindi pagtakbo ni Robredo ay maaaring magdulot ng leadership vacuum na posibleng humantong sa pagkakahati-hati ng hanay ng oposisyon at iba pang kaalyadong grupo.

“I hope I am wrong but Leni’s refusal to run may create a leadership vacuum,” pahayag niya.

Sa huli, nanawagan si Pangilinan ng pinakamalawak na pagkakaisa para sa adhikain ng mabuting pamamahala at mas magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.

“Para sa bayan,” pagtatapos ng senador.

Maki-Balita: Final na! Leni Robredo, ‘di tatakbo sa national position sa 2028

Matatandaang si Pangilinan ang ka-tandem ni Robredo sa 2022 presidential elections, o mas kilala bilang "Leni-Kiko tandem."