May 22, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Tourist spots na magandang puntahan sa Czech Republic

ALAMIN: Tourist spots na magandang puntahan sa Czech Republic
Photo courtesy: Unsplash

Sa init ng panahon sa Pilipinas, may mga pagkakataong hindi na sapat ang pagtapat sa aircon o electric fan. 

Minsan, kailangan nang i-empake ang maleta at mag-travel sa iba’t ibang bansa upang panandaliang takasan ang alinsangang dulot ng dry season. 

Isa sa mga bansang nakaeenganyong puntahan ay ang Czechia o Czech Republic, na kilala dahil sa kanilang mga palasyo at bilang isa sa safest countries sa buong mundo, ayon sa Travel Safety Index 2025. 

Kaya narito ang ilan sa tourist spots magandang puntahan, first-time traveler man o batikan na sa paglipad abroad:

Trosky Castle

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Tinatawag na symbol o landmark ng Bohemian Paradise dahil sa kakaiba nitong itsura, ang Trosky Castle ay isa sa mga pinaka binibisitang tanawin sa Czech Republic dahil sa makapigil-hininga nitong landscape view. 

Bukod pa rito, ang Trosky Castle ay tinatawag ding “Gate to Hell” dahil sa kakaibang pagkakahawig ng dalawang tore rito sa sungay ng demonyo. 

Kutná Hora

Kilala dahil sa Gothic architecture, ang Kutná Hora ay parte ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage Sites. 

Makakikita rito ang makukulay na pader ng ibang gusali na itinayo pa noong Renaissance, gayundin ang iba pang Gothic churches sa Europa tulad ng St. Barbara’s Cathedral, at ang isa pang kilalang tourist attraction, ang Sedlec Ossuary o ang Chapel of Bones. 

Karlovy Vary

Kung mas makukulay na sceneries ang nais makita, ang Karlovy Vary naman ay “worth it” na ilagay sa travel guide dahil dito matatagpuan ang ilang pinakamalaking spa sa bayan. 

Sa Karlovy Vary din makikita ang magagandang arkitektura na may impluwensiya ng neo-Baroque at neo-Renaissance style. 

Ceský Krumlov

Sa Ceský Krumlov ay isa pa sa mga lugar sa  Czech Republic na kabilang sa UNESCO heritage sites dahil sa mga kakaiba nitong Renaissance at Baroque architectures. 

Sa bayan ding ito makikita ang ikalawang pinakamalaking palasyo sa Czech Republic at pinakamatandang Baroque theaters sa Europa. 

Prague Zoo

Kung animal-lover naman ang bibisita, mainam na makita rin ang Prague Zoo na tahanan ng higit 5,000 mammals ng higit 650 species naninirahan sa maaayos at modernong bakuran. 

Ayon sa iba’t ibang pag-aaral, ang Prague Zoo ang isa sa mga kilalang zoological gardens sa Europa dahil sa kanilang ethical zoo practices para sa mga hayop na naninirahan dito.