May 14, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Mga sakit na posibleng puksain ng ‘green tea’

ALAMIN: Mga sakit na posibleng puksain ng ‘green tea’
Photo courtesy: Freepik


Hindi maipagkakailang mahilig ang mga Pilipino sa iba't ibang uri ng inumin—milktea, halo-halo, fruit juice, kape, at tsaa.

Kahit anong uri ng panahon, bida sa oras ng pagkain ang mga nabanggit na inumin.

Pero sa dami ng pagpipilian, isa lamang ang tsaa sa talaga namang gustong-gusto ng mga Pilipino—lalo na ang tinatawag nilang “green tea.”

Ano nga ba ang green tea?


Ayon sa WebMD, ang “green tea” ay gawa sa “Camellia sinensis plant.”

Ang tuyong dahon ng nabanggit na halaman ay ginagamit din upang makalikha ng iba pang uri ng tssa, gaya na lamang ng black tea at oolong tea.

Gaya ng karaniwang kape, nagtataglay din ang green tea ng caffeine, batay sa parehong source.

Hindi rin daw “fermented” ang nasabing uri ng tsaa, kung kaya’t mayroon itong kakayahang magpanatili ng “polyphenols,” na siyang importante sa mga benepisyong dulot ng green tea.

Ano naman ang mga sakit na posibleng puksain ng green tea?

Ayon sa WebMD, ang green tea ay may posible umanong magandang epekto kontra sa mga sakit na may kinalaman sa kanser, cholesterol, at heart disease.

1. Heart disease

Human-Interest

Paano nakatutulong ang fur babies sa kalusugan ng kanilang fur parent?

Batay sa source, naiiugnay daw ang pag-inom ng green tea upang mapababa ang risk ng “clogged arteries” sa puso ng tao.

“Also, people who drink at least three cups of green tea daily might have a lower risk of death from heart disease,” mababasa rin sa artikulo.

2. Endometrial cancer

Para naman sa mga kababaihan, ang green tea daw ay mayroong kakayahang pababain ang risk ng kanser sa endometrium.

Ang endometrium ay ang “lining” sa uterus ng mga kababaihan, na siyang mahalaga sa pagbubuntis at "menstrual cycle" ng mga ito.

3. Mataas na antas ng cholesterol

Base sa artikulo ng WebMD, tila napapababa raw ng green tea ang lebel ng cholesterol sa katawan, partikular na ang “lipoprotein” na itinuturing na “bad cholesterol.”

Gayunpaman, binanggit sa artikulo na “small amount” lang umano nito ang kayang puksain ng green tea.

4. Ovarian cancer

Isa rin ang kanser sa obaryo sa mga sakit na umano’y maaring mapababa ang risk gamit ang pag-inom ng green tea.

Samantala, nilinaw pa rin ng WebMD na hindi pa rin tiyak sa kabuuan na may direktang tulong sa mga nabanggit na sakit ang pag-inom nito.

“There is interest in using green tea for a number of other purposes, but there isn't enough reliable information to say whether it might be helpful,” anang WebMD.

Iba pang health benefits ng green tea

Base naman sa hiwalay na artikulo ng Healthline, ilan pa sa mga benepisyo sa kalusugan na dala ng green tea ay ang epekto nito sa “fat burning,” “improvement of cognitive function,” at “protection from brain aging.”

Nabanggit din sa parehong source na ang green tea ay mayroon din daw good effects sa “oral health” ng tao, sa antas ng “blood sugar” ng isang indibidwal, at sa pagpapahaba ng buhay ng iinom nito.