May 18, 2026

Home FEATURES BALITAnaw

#BALITAnaw: Ang unang taon ng pagpanaw ni Pope Francis

#BALITAnaw: Ang unang taon ng pagpanaw ni Pope Francis
Photo courtesy: Vatican News (website)

Kinilala bilang “People’s Pope,” si Pope Francis ay isa sa mga Santo Papa na minahal ng mga Katoliko dahil sa kaniyang kapakumbabaan at pagkahabag sa mga tao. 

Mula sa pagbibigay ng basbas sa same-sex couples, paghuhugas ng mga paa ng mga bilanggo, kababaihan, at Muslim, hanggang sa pagsakay sa isang minibus imbes na limousine pabalik sa Vatican noong 2013, itinuturing na progresibong Santo Papa si Pope Francis dahil sa kaniyang pagkilala sa mga miyembro ng lipunan, na noo’y iwinawaksi ng simbahan. 

Kaya ganoon na lamang ang naging pagluluksa ng mga katoliko mula sa iba’t ibang parte ng mundo nang lumabas ang ulat ng kaniyang pagpanaw noong umaga ng Abril 21, 2025, sa edad na 88. 

MAKI-BALITA: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88

Sa Pilipinas, bilang bansa na may pinakamalaking populasyon ng Katolisismo sa Asya, ipinanawagan ni Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang pagpapa-ugong ng mga dambana sa mga simbahan bilang hudyat ng panalangin sa yumaong Santo Papa. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Mga dati at kasalukuyang senador na minsan nang nakulong sa gitna ng kanilang termino

Sa ibang bansa tulad ng Espanya, idineklara ang tatlong araw ng pagluluksa upang gunitain ang alaala ng paninilbihan ni Pope Francis. 

Sa Tibet naman, nag-alay ng Buddhist prayers ang Dalai Lama bilang parte ng pagluluksa sa pagpanaw ni Pope Francis,

Habang ang iba pang global leader tulad nina Russian President Vladimir Putin; US President Donald Trump; Palestinian President Mahmoud Abbas; at His Majesty King Charles ng United Kingdom, ay nagpaabot din ng kanilang mga pakikiramay habang kinikilala ang naging legasiya ng Santo Papa hindi lamang sa simbahan ngunit sa buhay rin ng kanilang mga mamamayan. 

Dahil dito, muling balikan ang ilan pa sa naging legasiya at mga katuruang iniwan ni Pope Francis na tumatak sa publiko bilang paggunita sa unang taon ng kaniyang pagpanaw: 

Magkaroon ng habag sa ibang tao

Itinuro ni Pope Francis na katulad ng nag-uumapaw na grasya ng Panginoon sa mga tao, bilang Kristiyano, mahalagang isapamuhay rin ito, dahil ito ay ibinibigay hindi lamang upang personal na maranasan, kung hindi upang maipamahagi rin sa iba pang tao. 

“A little bit of mercy makes the world less cold and more just,” saad ni Pope Francis sa kauna-unahan niyang misa bilang Santo Papa. 

Maging mapagkumbaba 

Isa pa sa legasiya at puso sa maraming katuruan ni Pope Francis ay ang pagpapakumbaba dahil naniniwala siyang sa pagkakaroon nito, tunay na mapagsisilbihan ang ibang tao. 

Naipamalas din ito ni Pope Francis nang piliin niyang manirahan sa isang Vatican residence kaysa mas enggrande at makasaysayang Apostolic Palace, na kadalasang tinitirhan ng iba pang Santo Papa mula sa mga nagdaang dekada. 

Pagmamahal para sa mga taong nasa laylayan ng lipunan 

Isa pa sa naging highlight ng paninilbihan ni Pope Francis ay ang kaniyang puso para sa mga taong nasa laylayan ng lipunan tulad ng mahihirap at mahihina, na kadalasa’y naisasantabi at nakakalimutan. 

Katulad ng ginawa ni Hesus na paghuhugas ng paa ng Kaniyang mga apostol, hinugasan at hinalikan ni Pope Francis ang mga paa ng ilang mga nakapiit at nananatili sa refugee centers, gayundin ang ilang mga hindi rin katoliko at kababaihan, na sumasalamin sa pagmamahal at pagpapakumbaba ni Hesus. 

Urbi et orbi

Sa paghinto ng mundo dahil sa Covid-19 pandemic, nagsagawa ng misa si Pope Francis St. Peter’s square, bagama’t halos walang katao-tao rito upang isagawa ang Blessed Sacrament at mag-alay ng panalangin sa kabila ng distansyang nagaganap noong mga panahong ito. 

KAUGNAY NA BALITA: #BALITAnaw: Makasaysayang pagbisita ni Lolo Kiko sa Pilipinas

Matatandaan naman noong Mayo 2025, kinilala ang bagong Santo Papa na si Pope Leo XIV, ang kauna-unahang Amerikanong Santo Papa sa 2,000 taong kasaysayan ng Simbahang Katolika. 

MAKI-BALITA: First American pope: Cardinal Robert Prevost, ang bagong lider ng Simbahang Katolika

Bilang isang Santo Papa na nailuklok sa panahon ng pagyabong ng teknolohiya, si Pope Leo rin ang nag-iisang Santo Papa na may social media history sa loob ng 14 na taon, na nagpapahayag ng kaniyang saloobin hinggil sa isyu ng racism, sexual abuse ng mga kaparian, Covid-19, at giyera ng Ukraine at Russia. 

MAKI-BALITA: KILALANIN: Si Pope Leo XIV—ang Santo Papa na aktibo sa social media