October 05, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Jodi Sta. Maria, mananakot sa bagong pelikula

Jodi Sta. Maria, mananakot sa bagong pelikula
Photo Courtesy: Screenshot from Regal Entertainment (IG)

Hindi pa man natatapos ang pagpapasiklab ni Kapamilya star Jodi Sta. Maria sa teleseryeng “Lavender Fields” ay may bago na agad aabangang proyekto sa kaniya.

Sa isang Instagram post kasi ng Regal Entertainment nitong Sabado, Setyembre 22, ay inilabas ang official teaser ng bagong pelikula ni Jodi na pinamagatang “Untold.”

“Ano ang hindi mo kayang aminin? Are you ready to unveil your deepest darkest #UntoldHORROR?” saad sa caption ng post.

Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

"HUYYYYY GRABEEE NAKAKATAKOT PERO MANUNUOD PA DIN FOR MAMAH JOWDSS "

"LFG BEBE @_jodistamariaph"

"Watch ko toh for sure... Si Jodi yan eh. "

"Naku Lav bat pa kasi lagi pasabog ang bawat episode lagi kang sumusugod ep17"

"Waaaahhh! Why did I watch the trailer knowing full well I’m all alone in my flat!!! though I like the trailer doesn’t reveal anything of the plot. I hope it will be screened abroad too. Congrats, Jodi on your new film!"

"Cant wait aaaa"

Matatandaang ikaapat na horror film na ni Jodi ang “Untold” ngunit ito raw ang kauna-unahang horror film niya kasama ang Regal Films.

Sa kasalukuyan, wala pang petsa kung kailan mapapanood sa mga sinehan ang “Untold.” Kaya abang-abang na lang muna sa mga susunod pang detalye.