September 21, 2024

Home SHOWBIZ

Wish ni Ogie Diaz kay Liza Soberano: 'Sana magising na'

Wish ni Ogie Diaz kay Liza Soberano: 'Sana magising na'
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB), Liza Soberano (IG)

Nagpaabot ng mensahe ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa dati niyang alagang si Liza Soberano matapos niyang makapanayam ang former manager din nitong si James Reid.

Matatandaang kinumpirma ni James sa nasabing panayam na si Liza raw ang mismong nagdesisyon na umalis na sa Careless.

MAKI-BALITA: James sa paglayas ni Liza sa Careless: 'It's her decision'

Kaya sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, hiniling ni Ogie na sana raw ay magising na si Liza sa katotohanan.

Gerald Anderson, gusto na raw magkapamilya?

“Sana magising na si Liza sa katotohanan. Kailangan na niyang magising. Dahil ako, kilala ko ang ‘yang bata na ‘yan,” saad ni Ogie.

“Hindi ko makalimutan. Mabait ‘yang batang ‘yan. Hindi ko lang alam bakit 360 degrees na change ang nangyari,” wika niya.

Dagdag pa ng showbiz insider: “We are open to changes. Pero huwag naman ‘yong 360 degrees. Parang hindi na si Liza ‘yon. Ako, ha, sa akin. Parang iba. Parang nadiktahan.”

Kaya naman hindi raw kumbinsido si Ogie na kay Liza umano galing lahat ng sinabi nito sa vlog na “This Is Me” na bahagi umano ng rebranding ng aktres.

MAKI-BALITA: 'Liza o Hope?' Netizens, hilong-talilong, litong-lito na kay Soberano