September 19, 2024

Home BALITA

Isko Moreno, binisita si Doc Willie sa Singapore

Isko Moreno, binisita si Doc Willie sa Singapore
photo courtesy: Isko Moreno Domagoso/FB

Binisita ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso si Doc Willie Ong sa Singapore. 

Ibinahagi ni Isko sa kaniyang Facebook page ang muling pagkikita nila ni Doc Willie. 

"Nagkita kami ni Doc Willie Ong here sa Singapore. Mahina pa siya at marami pang chemo sessions ang gagawin sa kanya," saad ng dating Manila mayor.

Ipinaabot din niya ang mensahe ni Doc Willie sa followers nito.

National

Alice Guo, pina-cite in contempt ng House quad-committee

"His message to all his followers and those who believed in him: Mahal daw niya ang mga kababayan nating Pilipino at hangga't malakas siya hindi daw siya titigil ng tulong sa taong bayan at sa bansa hangang sa dulo," aniya.

Nagkomento naman si Doc Willie sa naturang post at nagpasalamat: "Salamat Yorme sa pagbisita. Malaking bagay yon sa akin."

KAUGNAY NA MGA BALITA:

Isko Moreno, nalungkot nang malaman kalagayan ni Doc Willie Ong

Doc Willie Ong, na-diagnose na may cancer

Doc Willie, nakuha raw ang cancer dahil sa stress sa comments ng bashers