October 11, 2024

Home BALITA National

Doc Willie Ong, na-diagnose na may cancer

Doc Willie Ong, na-diagnose na may cancer
screenshot: Doc Willie Ong/FB

Isiniwalat ng cardiologist na si Doc Willie Ong na mayroon siyang cancer at kasalukuyang sumasailalim sa treatment para sa naturang sakit.

Sinabi ito ni Ong sa isang video na ipinost sa kaniyang Facebook page nitong Sabado, Setyembre 14, na kinunan noong Agosto 29. Na-delay raw ang paglabas ng video dahil sa "serious" at "complicated" journey ng chemotherapy ni Ong. 

Ayon sa kaniya, nakitaan siya ng mga doktor ng 16 x 13 x12 centimeter sarcoma sa kaniyang tiyan, na nakatago raw sa likod ng kaniyang puso at nasa harap ng kaniyang T10 spine.

"Itong bukol na ito, malaking-malaki raw. Isa sa pinakamalaki na nakita nila," ani Ong.  

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Sumailalim daw si Ong sa mga serye ng test upang matukoy kung anong uri ng cancer ang mayroon siya.

"Ipinadala pa dugo ko for genetic testing abroad. Nalaman na 'yung kalaban. Ang pangalan Sarcoma [cancer]. Marami tayong sarcoma sa atin pero 'yung sarcoma ay nagtatago na very rare, very aggressive, very big na inipit na ang liver, inferior cena cava... naipit pa 'yung puso ko," paliwanag pa ng media personality na doktor. 

Nakilala si Doc Willie sa kaniyang mga video tungkol sa kalusugan. Matatandaang tumakbo rin siya bilang bise presidente noong Eleksyon 2022 sa ilalim ng tiket ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.