May 22, 2026

Home BALITA

Ombudsman, hinihingi listahan ng media personnel na nasa Senado noong Mayo 13-14!

Ombudsman, hinihingi listahan ng media personnel na nasa Senado noong Mayo 13-14!
MB file photo

Hinihingi ng Office of the Ombudsman ang listahan ng media personnel na nasa Senado noong Mayo 13-14 2026 kaugnay sa naganap na putukan sa gusali.

Bukod sa mga pangalan ng media personnel, hinihingi rin nitong Martes, Mayo 19, ang logbook entries nila para sa fact-finding investigation ng Ombudsman. 

Matatandaang nagulantang mga media at publiko sa biglang umalingawngaw na mga putok ng baril sa loob mismo ng Senado noong Miyerkules sa kabila ng pag-iwas ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa mga awtoridad.

Ipinagdiinan naman ni Senate President (SP) Alan Peter Cayetano na "under attack" ang Senado. 

“Kung tututukan kita ng baril, papasukin ko bahay mo na may baril ako, nag-warning shot ka pinutukan kita pabalik, is it not an attack? Sorry, ha. But I don’t think there’s any question. The Senate is under attack—was under attack,” saad ni Cayetano sa kaniyang press briefing kamakailan.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

MAKI-BALITA: 'The Senate was under attack!' SP Cayetano, tinaasan ng boses nagtanong sa pamamaril sa Senado-Balita

Sagot naman ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro, isa lamang itong pahayag na nagmula kay Cayetano.

“Senate siege… Was it under attack? It was not. The Senate was not under attack, you can see that from the news—not only from the statements of the [National Bureau of Investigation] NBI and [Philippine National Police] PNP, it was only the statement made by Senator Alan Cayetano,” saad ni Usec. Castro sa press briefing ng PCO nitong Lunes, Mayo 18.

Maki-Balita: ‘Senate was never under attack!’—Palasyo

Samantala base sa bagong impormasyong mula sa South Police District, kinilalang driver ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Mel Oragon, 44, ang nasa likod ng naganap na kaguluhan.