Pinasinungalingan ng Malacañang ang mga alegasyon hinggil sa umano’y “under attack” na naranasan ng Senado kamakailan.
Ito ay matapos ipagdiinan ni Senate President (SP) Alan Peter Cayetano na inatake umano ang Senado kamakailan, matapos ang pag-alingawngaw ng mga putok ng baril sa naturang lugar—dalawang araw matapos siyang humalili kay Sen. Vicente “Tito” Sotto bilang pangulo ng mataas na kapulungan.
“Kung tututukan kita ng baril, papasukin ko bahay mo na may baril ako, nag-warning shot ka pinutukan kita pabalik, is it not an attack? Sorry, ha. But I don’t think there’s any question. The Senate is under attack—was under attack,” saad ni Cayetano sa kaniyang press briefing kamakailan.
MAKI-BALITA: 'The Senate was under attack!' SP Cayetano, tinaasan ng boses nagtanong sa pamamaril sa Senado-Balita
Sagot naman ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro, isa lamang itong pahayag na nagmula kay Cayetano.
“Senate siege… Was it under attack? It was not. The Senate was not under attack, you can see that from the news—not only from the statements of the [National Bureau of Investigation] NBI and [Philippine National Police] PNP, it was only the statement made by Senator Alan Cayetano,” saad ni Usec. Castro sa press briefing ng PCO nitong Lunes, Mayo 18.
Aniya, “So as far as we are concerned, as far as the government is concerned, [the] Senate was never under attack.”
Giit pa ng press officer, ito rin daw ang posisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kaugnay sa naturang isyu.
Natanong din si Usec. Castro ukol naman sa reaksiyon ni PBBM kaugnay sa pagpapalit ng liderato sa Senado, at ang pag-convene nito bilang impeachment court sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
“Ang pagpapalit ng liderato sa Senado ay kanila po ‘yang aktibidad—so wala naman pong kinalaman ang Pangulo kung magpapalit sila ng liderato o hindi. So, sa kanila po ‘yan, nasa Senado po ‘yan,” giit ni Usec. Castro.