Nagbabala si House Speaker Faustino “Bojie” Dy laban sa mga gumagamit ng kaniyang pangalan at opisina upang makapanloko ng publiko.
Batay sa pahayag na inilabas ng tanggapan ni Dy nitong Martes, Mayo 19, ang kasama sa panlolokong ginagawa ng scammers ay ang hindi awtorisadong paghingi ng pera sa publiko.
“It has come to the attention of the Office of the Speaker that certain individuals have been falsely claiming to be related to or connected with the House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III and his office, and have been soliciting money, making unauthorized requests, and other improper demands from the public,” saad sa pahayag.
Dahil dito, mariing ipinapaalala ni Dy at ng kaniyang opisina sa publiko na iwasang sumagot sa anumang kahilingan ng scammers, maging mapagmatyag sa kaparehong mga gawain, at maagap itong i-report sa mga awtoridad.
“The public is hereby warned against engaging with or responding to such solicitations,” saad sa pahayag.
“We urge everyone to exercise vigilance and to immediately report any such fraudulent activities to the proper authorities,” dagdag pa rito.
Samantala, partikular na binanggit ni Dy sa kaniyang hiwalay na post na ang mobile number na +6339950760431 ay hindi niya pagmamay-ari o sinuman sa kaniyang opisina.