September 20, 2024

Home SHOWBIZ

Aprub ba kay Krissy? Bimby, may crush daw sa BINI

Aprub ba kay Krissy? Bimby, may crush daw sa BINI
Photo courtesy: Screenshot from Darla Sauler (YouTube)/BINI (FB)

Napag-usapan nina Darla Sauler at Bimby Aquino kung kumusta ang lagay ng puso ng isa't isa, sa vlog ng una kung saan ipinakita niya ang pagluluto para sa kaniya ng huli at ng nanay nitong si Queen of All Media Kris Aquino, nang dalawin niya ang mga ito sa Orange County, California, pagkatapos ng show ng ASAP sa nabanggit na lugar.

MAKI-BALITA: Pagpapalaki ni Kris Aquino sa mga anak na sina Bimby, Joshua pinag-usapan

Sa pag-uusap ng dalawa ay tila nabanggit ni Bimby na sinubukan daw ni Darla na i-set up siya sa isang "someone."

"Alam n'yo po, Darla's trying to set me up with someone eh," buking ni Bimby.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Kasi crush mo 'yon eh," hirit naman ni Darla.

"Nakuuu, hindi," sey naman ni Bimby pero kitang-kita namang pagkaluwag-luwag naman ng kaniyang ngiti.

"Crush mo si BINI Mikha," buking ni Darla. "May picture kayo..."

"Ikaw kaya ang nagsabi," natatawang sansala naman ni Bimby.

Nilinaw naman ni Bimby na wala siyang picture together ni BINI Mikha kundi sa buong BINI group, dahil gustong-gusto raw ng pamangkin ng isa niyang tito ang Nation's all-female group.

"Kuya Bimby... you and BINI Mikha are bagay {natawa], kaloka," kuwento ni Bimb na sabi raw sa kaniya ng mga pamangkin ng kaniyang tito.

Nang sabihan naman siya ni Darla na kinikilig siya, "Of course, she's bright, beautiful girl."

Natanong naman si Bimby kung mag-aartista na raw siya at papasukin ang showbiz.

"I don't know. Ano, everything has its own time and place talaga..." aniya.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si BINI Mikha tungkol dito.