September 19, 2024

Home SPORTS

Alyssa Valdez 'pinatay' sa isang page, fans nataranta

Alyssa Valdez 'pinatay' sa isang page, fans nataranta
Photo courtesy: PVL website and Alyssa Valdez (FB)

Ginulantang ng isang Facebook post ang volleyball community sa umano’y pagpanaw ni Philippine Volleyball Superstar Alyssa Valdez, Sabado ng gabi, Setyembre 14, 2024.

Sa naturang Facebook post na unang ipinost sa isang Facebook group makikita ang pag-share ng isang anonymous account tungkol sa pagpanaw umano ni Valdez mula sa nakaanunsyo umanong post ng isang verified sports news account na One Sports.

“JUST IN: Pumanaw na ang Volleyball Player ng Creamline Cool Smasher na si Alyssa “Phenom” Valdez sa edad na 31-anyos ngayong araw Biyernes, September 14. #OneSports #AlyzzaValdez,” caption ng nasabing shared post.

Makikita rin sa litratong kalakip ng post ang black and white photo ng balibolista kung saan nakalagay ang petsa ng kapanganakan nito at umano’y araw ng pagpanaw niya. 

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Agaw-pansin din sa netizens ang nakalagay na mensahe sa baba ng larawan kung saan idinawit ng naturang post ang pangalan ni Akari Charger Ivy Lacsina.“Our beloved Family, Friends Ccs Fans and one only Ivy Lacsina.”

Agad itong kumalat maging sa ibang social platform tulad ng X kung saan bumuhos ang samu’t saring reaksiyon mula sa fans.

“Mga siraulo!”

“This is below the belt”

“Either lumot or garapata ‘yan"

”Grabe naman kagag*han ‘yan! Shutanes mauna na sana gumawa niyan.”

“NOT OUR ALYSSA VALDEZ!”“Bakit hindi kayo ang mauna? Grabe mga nakakaisip ng ganiyan.”

Samantala, kasabay ng pagsabog ng nasabing fake news, burado na ang satirical post maging ang Facebook group na “Philippine Volleyball.”

-Kate Garcia