July 19, 2026

Home BALITA Probinsya

Probinsya ng Batanes, naninindigan sa awtoridad ng Pilipinas

Probinsya ng Batanes, naninindigan sa awtoridad ng Pilipinas
Photo courtesy: Jun Aguto (FB), DOT via MB

Diretsahang inihayag ni Batanes Gov. Ronald “Jun” P. Aguto Jr., na nananatiling kinikilala ng isla at mga nasasakupan nito ang soberanya at awtoridad ng Pilipinas sa kabila ng kontrobersiyal na pahayag ilang Chinese scholars na “natural extension” ng Taiwan ang isla. 

MAKI-BALITA: Teodoro, Tarriela pumalag: Batanes, 'natural extension' ng Taiwan sey ng ilang Chinese scholars!

Sa pahayag ni Aguto nitong Biyernes, Hulyo 10, binanggit niya bilang komemorasyon sa kanilang kamakailang ika-243 founding anniversary ng Batanes, ginugunita nila ang higit dalawang siglo nitong kasaysayan bilang parte ng Republika ng Pilipinas. 

“As we recently commemorated the 243rd Founding Anniversary of the Province of Batanes, we celebrated not only the establishment of our civil and religious government but also more than two centuries of our enduring history as an integral part of the Republic of the Philippines,” ani Aguto. 

Binanggit din ng gobernador dito na magmula sa kasaysayan hanggang sa kasalukuyan, hindi nag-aalinlangan ang isla ng Batanes sa pagkilala sa soberanya ng Pilipinas. 

Probinsya

Bala ng baril at umano'y liham para sa mga bully, natagpuan sa building ng eskwelahan sa Bacolod!

“This occasion serves as a powerful reminder that Batanes has long exercised governance under Philippine sovereignty. The sovereignty of the Philippines over Batanes is unequivocal. It has never been in doubt, nor is it open to question,” saad pa ni Aguto. 

Sa pagtatapos ng pahayag, sa kabila ng naging pang-aangkin umano ng ilang Chinese scholars sa isla ng Batanes, tiniyak ng gobernador na nananatili silang tapat sa awtoridad ng pamahalaan ng Pilipinas. 

“In view of recent public statements regarding Batanes, the Provincial Government reaffirms its unwavering commitment to the sovereignty, territorial integrity, and national interest of the Republic of the Philippines,” pagtitiyak ni Aguto. 

Aniya pa, nananatiling proud ang mga tao ng Batanes sa kanilang pagiging Pilipino at patuloy nilang pagyayamanin ang kanilang kasaysayang at identidad bilang Pinoy. 

“The people of Batanes remain proud Filipinos, united with the rest of the nation in preserving our shared history, identity, and future,” dagdag pa ng gobernador.