Nagpaabot ng mensahe ang basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr. sa mga Pilipinong gumagamit ng “N-word” para magmukhang astig.
Sa Instagram story ni Ray nitong Huwebes, Setyembre 12, makikita ang video clip ni IShowSpeed, isang American social media personality, na sinabihan ng “N-word” ng isang Pinoy.
Kaya sabi ni Ray: “To all my Filipinos saying the N-word to act cool, that is just so ignorant, disrespectful, and down fight embarrassing. Do better!”
“Words could speak life and words could speak death. Stop racism!” dugtong pa niya.
Matatandaang si IShowSpeed ay pumunta rito sa Pilipinas noong Miyerkules, Setyembre 11, at lubhang pinagkaguluhan ng mga Pilipino.
Nakilala si IShowSpeed dahil umano sa kaniyang energetic presence at dramatic behaviour sa mga ginagawa niyang live stream.