September 18, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Maricel Soriano, usap-usapan dahil sa ipinakitang 'attitude' sa set

Maricel Soriano, usap-usapan dahil sa ipinakitang 'attitude' sa set
Photo courtesy: Hazel B. Parfan (FB)

Patuloy na pinag-uusapan ng mga netizen ang Facebook post ng executive producer ng action-drama series na "Lavender Fields" na si "Hazel Parfan" matapos niyang itampok ang isa sa stellar cast member na si Diamond Star Maricel Soriano.

Simpleng caption ni Parfan sa kaniyang post noong Setyembre 9, 10:45 ng umaga ang call time ng lahat para sa taping, subalit dumating ang Diamond Star ng 9:30 ng umaga.

Bukod dito, handang-handa na rin siya at made-up na rin.

Dahil walang aircon tent sa taping location, sinabi mismo ni Marya na okay lang siya sa puwesto niya, na ang tanging nagbibigay ng lamig ay bentilador.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

"10:45AM calltime on the set, arrived at 9:30AM ready, made-up..."

"No aircon tent in our 1st location, 'no problem...ok lang ako dito sa tabi with electric fan'"

"Our Diamond Star," mababasa sa post.

TINGNAN: Hazel B. Parfan - 10:45AM calltime on the set, arrived at 9:30AM... | Facebook

Marami naman sa mga netizen ang pumuso sa post na nagpapakita ng good attitude sa trabaho at professionalism ng nag-iisang Diamond Star.

"Salute!"

"Salute po tita!"

"Wow! Sanaol kagaya nya. Amazing!"

"Iba talaga ang Diamond Star!"

"Ms. Maricel Soriano all the way."

Sey pa ng ilang netizens, ang ganitong attitude daw ni Maricel ang dapat pamarisan ng mga artista, lalo na ang mga bagito o baguhan pa lamang sa showbiz.

Ginagampanan ni Maricel Soriano ang karakter na "Aster Fields" sa nabanggit na serye na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria, kasama pa sina Jericho Rosales, Janine Gutierrez, Jolina Magdangal, Edu Manzano, Albert Martinez, at iba pa. Ito ay produksyon ng Dreamscape Entertainment.