September 20, 2024

Home SPORTS

‘Kyle Negrito is the Key?’ Creamline malapit na mag-grand slam

‘Kyle Negrito is the Key?’ Creamline malapit na mag-grand slam
Photo courtesy: PVL website

Tila abot kamay na ng Creamline Cool Smashers na makapag-grand slam sa Premier Volleyball League (PVL) dahil sa patuloy nitong pagdomina sa kasalukuyang Invitational Conference.

Nananatiling walang gasgas ang record ng Creamline ngayong Invitational Conference matapos nilang makawala sa isang dikdikang four-setter match-up kontra Cignal HD Spikers, 25-18, 29-27, 17-25, 25-20 noong Lunes, Setyembre 9, 2024.

Sa kasalukuyang standing ng Creamline na 3-0, sigurado na ang finals spot nila na posibleng magbigay sa koponan ng ikaapat na sunod-sunod na panalo.

Samantala, matatandaang malaki ang naging hamon ng reigning champions na madepensahan ang kanilang titulo matapos kuhanin ng isang commercial team sa Japan ang veteran setter na si Jia Morado. Sa pag-alis ni Jia, si dating Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraw Kyle Negrito ang pumalit sa binakante niyang posisyon.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Inulan ng kabi-kabilang batikos si Negrito dahil sa umano’y palpak na setting skills niya. Ayon sa netizens, ito umano ang malaking butas ng Creamline dahil sa pagkawala ni De Guzman.

Sa kabila ng batikos at personal na pag-atake, walang inilabas na pahayag si Negrito maging ang management ng koponan.

Samantala, sa huling nagdaang conference, nagawang mapanatili ng Creamline ang kanilang titulo sa pangunguna ng playmaker nilang si Negrito. Nagawa rin niyang iuwi ang Best Setter noong All-Filipino Conference sa pagsisimula ng 2024.

Si Negrito rin ang nagdala sa koponan sa pagkawala ng kanilang reigning Most Valuable Player (MVP) na sina Alyssa Valdez, Tots Carlos at Jema Galanza sa katatapos pa lamang na Reinforced Conference.

Kaya naman ilang fans na ang nagsasabi na ang koponan ng Creamline, ay hindi na umano legasiya ni Valdez, ng long time Head Coach Sherwin Meneses at award winning na setter na si De Guzman, bagkus, ay isang Negrito na rin umano ang nakatatak sa winning streak nito.

“Grand slam for Kyle!”

“In fairness kay Kyle, nadala niya na naman sa finals ang Creamline.”

“Lahat ng conference na siya ang main setter nadala niya CCS sa finals anek!”

“Kahit may hangover!”

“The improvement of Kyle tho”

“Are we still doubting Kyle? GIRL MAGALING AT MATALINO SI BACCLA!”

Sa ngayon, isang panalo na lang ang kailangan ng Creamline kontra Farm Fresh Foxies upang masweep ang elimination round.

Kate Garcia