September 21, 2024

Home SHOWBIZ

Kalokalike ni Vice Ganda, pinapasali sa It's Showtime

Kalokalike ni Vice Ganda, pinapasali sa It's Showtime
Photo courtesy: ABS-CBN Entertainment (FB)/Daniela Diva (TikTok)

Hinihimok ng netizens na sumali sa "Kalokalike" Season 4 ang impersonator ni Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda, na si Daniel Aliermo ng Davao City, o kilala rin bilang si Daniela Diva.

Sa kaniyang TikTok video, sinagot ni Daniela ang komento sa kaniya ng netizen na sumali siya sa Kalokalike ng Showtime at gayahin si Vice Ganda.

Pero giit ni Daniela, hindi na siya puwedeng sumali ulit dahil siya na ang Grand Champion ng Kalokalike Season 3.

Ang Grand Champions naman ng Kalokalike Season 1 ay ang gumaya kay Christopher De Leon at sa season 2 naman ay kalokalike ni Nicki Minaj.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Hinikayat na lamang ni Daniela a.k.a. Vice Ganda ang mga taong alam nila sa sarili niyang may kamukhang celebrity na sumali sa season 4 ng Kalokalike.