December 22, 2025

Home BALITA National

5.2-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Occidental

5.2-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Occidental
Courtesy: Phivolcs/website

Isang magnitude 5.2 na lindol ang yumanig sa Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental nitong Martes ng umaga, Setyembre 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic dakong 5:01 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 186 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island, na may lalim na 154 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Principled partner sa Quad Comm: Benny Abante, nagbigay-pugay kay Romeo Acop

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.