October 04, 2024

Home BALITA Eleksyon

Yorme's choice: Mocha Uson, tatakbong konsehal sa Maynila

Yorme's choice: Mocha Uson, tatakbong konsehal sa Maynila
MOCHA USON BLOG/FB

Patuloy pa rin ang political journey ng vlogger na si Mocha Uson matapos niyang ianunsyo na tatakbo siyang konsehala ng Maynila sa ilalim ng ticket ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Sa isang Facebook post, ibinahagi niya ang larawan nila ni Isko. Dito, sinabi niyang tatakbo siya bilang konsehal ng Third District ng Maynila sa 2025 midterm elections. 

Sa naturang post din makikita ang bago niyang Facebook page na "Mocha Uson Distrito Tres" at may hashtag pa itong #YormesChoice.

Makakasama ni Uson sa District 3 councilors sina: Former PBA player Bong "Mr. Excitement" Alvarez, Coun. Tol Zarcal, Chris tagle, at Johnny "Rollin J" Dela Cruz.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga aspirants na nag-file ng COC at CONA ngayong Oct. 3

Naiulat din na tatakbo rinang anak ni Domagoso na si Joaquin Domagoso bilang konsehal ng District One. 

Matatandaang sinuportahan ni Uson si Domagoso nang tumakbo itong pangulo noong 2022.

BASAHIN: Mocha Uson: 'Nag-switch to Isko na rin po ako... dahil nakita ko po kay Mayor Isko ang batang Pangulong Duterte'

Bukod dito, noon ding 2022, tumakbo si Uson bilang first nominee ng MOCHA or Mothers For Change partylist. Kasama niya si Michele Gumabao bilang 2nd nominee.