Ang watawat ang nagsisilbing representasyon ng mga pangyayari sa kasaysayan, pagkakakilanlan, at pagmamahal ng mga Pilipino sa bansang Pilipinas.
Kaya agad na sinita ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang kumalat na larawan sa social media noong Marso 2025 na nagpapakita ng watawat ng Pilipinas na nilapatan ng agila, na tila mula sa mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Saad ng NHCP, ang larawang ito ay lumalabag sa Batas Republika Blg. 8491 o ang ‘Flag and Heraldic Code of the Philippines.”
Anila pa, ang watawat, bilang simbolo ng pagka-Pilipino ng bawat mamamayan, mahalaga itong bigyan ng mataas na respeto.
MAKI-BALITA: NHCP, sinita watawat ng Pilipinas na nilagyan ng agila
Dahil dito, narito ang ilan pang mga bagay na ipinagbabawal na gawin sa watawat ng Pilipinas, alinsunod sa Republic Act 8491:
1. Paninira o pagtapak sa watawat.
2. Pagsayad ng laylayan nito sa lupa.
3. Paggamit sa watawat bilang:
- Tela o tablecloth
- Panakip sa bubong, pader, mga estatwa, o iba pang mga bagay.
- Trapal sa mga sasakyan.
- Staff o whip
- Trademarks para sa industriyal, komersiya, o agrikultural na labels o mga disenyo.
4. I-display ang watawat sa mga sumusunod na ayos:
- Sa ilalim ng pintura o litrato
- Horizontal o pahiga
- Paglagay sa mga establisyimentong pangsabong, night at day clubs, casino, o sugalan.
5. Pagsusuot sa watawat bilang parte ng isang costume o uniporme.
6. Pagdadagdag ng anumang litrato o marka.
7. Pagpipinta ng anumang respresentasyon ng watawat sa mga panyo, punda, o anumang merchandise.
Bukod sa mga ito, ang lumang watawat ay sinusunog din bilang wastong paraan ng pag-dispose rito kapag ito’y papalitan na.
Saad din sa RA 8491 na ang watawat ay hindi dapat itapon upang maiwasan ang posibilidad ng maling paggamit o paninira at iniuutos dito ang agad na pagsunog kung ang watawat ay nakikitaan na ng anumang senyales ng pagkasira
MAKI-BALITA: BALITrivia: Bakit sinusunog ang bandila ng Pilipinas kapag ito ay luma na?