June 07, 2026

Home FEATURES Trending

Ano ang viral trend na ‘6-7’ ng Gen Alpha?

Ano ang viral trend na ‘6-7’ ng Gen Alpha?
Photo courtesy: Pexels

“Six-seven!”

Dalawang numero na nagpapakunot sa noo ng maraming nakatatanda ngunit nagpapalakas ng hagikgik at tawanan ng kabataan dahil sa kanilang pagiging “chronologically online” sa social media. 

Ang terminong ito na isinulat din bilang “67,” “6-7,” o “six-seven,” ay itinanghal bilang “word of the year” ng Dictionary.com noong 2025 bagama’t kahit ito ay hindi rin sigurado sa partikular na kahulugan ng trend na ito. 

Dahil dito, paano nga ba nauso ang “six-seven?” 

Ayon sa iba’t ibang ulat, ang “six-seven” ay nagmula sa kanta ng rapper na si “Skrilla” noong taong 2025 na “Doot Doot (6-7).” 

Trending

'Accessible ba talaga?' Para-athlete Kat Hernandez viral, hikahos sa pagdaan sa PWD ramp!

Magmula noon, nagsimula nang lumabas sa TikTok videos ng basketball players ang kantang ito, partikular ang National Basketball Association (NBA) player na si LaMelo Ball, na may tangkad na 6 feet 7 inches. 

Matapos nito, isang batang lalaki, na ngayo’y kilala na bilang “6-7 Kid” ang mapapanood na paulit-ulit na sumisigaw ng katagang “six-seven” habang ang katabi niyang isa pang bata ay gumagawa ng hand gestures kasabay nito, na kalauna’y nagpa-viral dito.

Ayon sa Merriam-Webster, ang “six-seven” ay isang ekspresyon at viral trend na walang partikular na kahulugan.

Isa sa mga kilalang personalidad na nakitang sumakay sa viral trend na ito ay si Pope Leo XIV, noong bumisita siya sa Madrid, Spain noong Hunyo 6.