Tuluyan nang sinemento ng Akbayan ang kanilang suporta sa kandidatura ni Sen. Risa Hontiveros sa pagkapangulo sa 2028 elections.
Sa latest Facebook post ng Akbayan nitong Lunes, Mayo 25, sinabi nilang kinikilala umano nila ang lumalakas na panawagan para sa pagkandidato ni Sen. Risa.
“Bilang kaniyang partido, kasama ang mga kaalyadong social movements, sectoral groups, at local and national leaders, idinedeklara ng Akbayan ang buong organisasyonal nitong kahandaan para sa kaniyang kandidatura,” saad ng Akbayan.
Ayon sa partido, hindi raw umaatras ang senadora kaya ito ang kanilang susuportahang kandidato.
“Kasama natin lagi si Risa,” sabi ng Akbayan. “Mula sa pagpapalawig ng maternity leave para sa mga working nanay, pagprotekta sa mga pasyente laban sa mga abusadong ospital, hanggang sa pagsusulong ng murang gamot at tunay na universal health care, dala niya ay kalinga, aksyon, at solusyon upang mapabuti ang ating mga buhay.”
Dagdag pa nila, “Hindi siya umaatras para sa mahihina, hindi siya natitinag sa harap ng makapangyarihan, at hindi siya tumitigil hangga’t may kailangang ipagtanggol.”
Matatandaang makailang ulit nang sinabi ni Sen. Risa ang kahandaan niya sa pagtakbo bilang Pangulo sa 2028 elections.
Maki-Balita: 'I remain willing! Sen. Risa, nananatiling bukas tumakbong Pangulo sa Halalan 2028!
Bukod sa Akbayan, naghayag na rin ng suportado ang partidong Magdalo para sa kandidatura ng senadora.
Maki-Balita: Magdalo, itutulak presidential bid ni Sen. Risa!