June 08, 2026

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Bakit binabaligtad, hina-half mast ang bandila ng Pilipinas?

ALAMIN: Bakit binabaligtad, hina-half mast ang bandila ng Pilipinas?
Photo courtesy: Pexels


Ang bawat bansa sa daigdig ay mayroong iba’t ibang kultura, tradisyon, at paniniwala.

Ang mga pagkakaibang ito ay dala-dala ng iba’t ibang simbolo—gaya ng pambansang awit, pambansang simbolo, at siyempre, ang watawat o bandila ng bansa.

Ano nga ba ang watawat/bandila at ang ambag nito sa isang bansa?

Ayon sa pakahulugang ibinahagi ng Encyclopedia Britannica, ang “flag,” o watawat ay isang simbolo ng malayang bansa at estadong may soberenya.

Maaari din itong maging isang representasyon ng isang grupo, organisasyon, opisina, military group, at iba pa.

Batay naman sa artikulong mababasa sa Custom Flag Company, ang watawat ay nagpapakita at nagpapahayag ng kasaysayan ng isang bansa, pagkakaisa ng mga mamamayan, at pagiging kasapi ng isang malayang estado o nasyon.

Ano-ano nga ba ang pamantayan at alituntuning dapat sundin kung ang pag-uusapan ay ang Watawat ng Pilipinas?

Mahigpit ang probisyong nangangalaga at tumitiyak sa tamang paggamit sa Bandila ng Pilipinas—partikular na sa usapin ng pagkakagulo o giyera, at sa pagluluksa sa isang taong may malaking ambag at papel sa lipunan.

Ayon sa Republic Act No. 8491, o ang “Flag and Heraldic Code of the Philippines,” may ilang patakaran na sinusunod kaugnay sa mga nabanggit na kaganapan.

Mga Pagdiriwang

Mga ipinagbabawal na gawin sa watawat ng Pilipinas

Pagbaligtad sa Watawat/Bandila ng Pilipinas

Base sa Seksyon 10 ng nabanggit na batas, ang babaligtarin ang watawat sa oras ng kagulugan o giyera.

“The flag, if flown from a flagpole, shall have its blue field on top in time of peace and the red field on top in time of war; if in a hanging position, the blue field shall be to the right (left of the observer) in time of peace, and the red field to the right (left of the observer) in time of war,” nasasaad sa dokumento.

Pagha-half mast sa Watawat/Bandila ng Pilipinas

Batay naman sa Seksyon 23 ng parehong batas, ipoposisyon ang watawat sa “half-mast” sa gitna ng pagluluksa sa pagkamatay ng sinuman sa mga ito: Pangulo at dating Pangulo ng Pilipinas (10 araw), Pangalawang Pangulo, Chief Justice, Senate President, at Speaker of the House of Representatives (7 araw), at ilang mga indibidwal na idedetermina ng institusyon (7 araw pababa).

“The flag when flown at half-mast shall be first hoisted to the peak for a moment then lowered to the half-mast position. The flag shall again be raised to the peak before it is lowered for the day,” mababasa sa dokumento.

Ang Watawat ng Pilipinas ay isang kagalang-galang na simbolo ng soberenya, kasaysayan, at pagkapilipino ng bawat isa—kung kaya’t dapat itong respetuhin at galangin.