June 08, 2026

Home FEATURES

Friendship na lagpas 7 taon, forever na nga ba?

Friendship na lagpas 7 taon, forever na nga ba?
Photo courtesy: Unsplash


Batay sa isang tanyag na kasabihan, “no man is an island.”

Kung iisipin, sa reyalidad, totoo ang pakahulugan ng katagang ito.

Maliban kasi sa pamilya, kasintahan, kaklase, o katrabaho, isa rin sa talagang nilalapitan natin ay ang ating mga kaibigan.

Pero base sa artikulong mababasa sa pahinang Medium, mahirap na raw humanap ng tunay na kaibigan sa ngayon.

Ayon pa nga rito, kung may kaibigan ka raw na aabot o hihigit sa pitong taon, isa ka na sa pinakasuwerteng tao sa daigdig!

ALAMIN: Kaibahan ng intensity at magnitude ng isang lindol

Batay kasi sa ilang paniniwala, kapag tumagal ang pagkakaibigan ng pitong taon at higit pa, tiyak aabot ito nang panghabambuhay.

May katotohanan nga ba ito?

Base sa parehong source,  ang pagkakaroon ng friendship na lumampas o umabot ng pitong taon ay isang relasyong mahirap nang baliin o putulin.

“If you have been friends for the past seven years, you can imagine how important this friend is. Seven years is such a long period with someone. I think it’s enough time to get to know each other. Because both people see each other’s ups and downs, how they react to their conditions they never judge, and how they think, they build a beautiful trust bond that never breaks,” mababasa sa artikulo.

Ayon naman sa artikulong nakalathala sa pahinang Yellowstone Valley Woman, may mga ekspertong nagpatotoo ng naturang paniniwala.

“Experts say that if you have a friendship that’s lasted longer than seven years, there is a good chance it will last a lifetime. Forever friends are a rare gem. They are few and far between. They are priceless when they last,” mababasa sa artikulo.

Base naman sa artikulo ng pahinang Body and Soul, may isang pag-aaral na nagsasabing hindi lamang sa pagkakaibigan may paniniwala patungkol sa pitong taon na tatagal habangbuhay, kasama na rin dito ang ilan pang uri ng relasyon.

“While there’s no guarantee any single friendship will outlive time itself, research Sociologist Gerald Mollenhorst suggests any bonds with a history of more than seven years are unlikely to fold for no good reason,” mababasa sa artikulo.

“One of the major findings of his extensive sociological research is that most people lose half of their social network every seven years, with the discarded relationships being traded in for newer, more contextually relevant ones,” dagdag pa nito.

Gayong may iba’t ibang paniniwala at pag-aaral na maiuugnay sa usaping ito, nakadepende pa rin sa bawat indibidwal kung paano nila payayabungin, patatatagin, at patatagalin ang kanilang pagkakaibigan.

Gaano man katagal, o kalayo ang isang kaibigan, laging tandaan na sila ay maituturing din bilang mga kayamanan.