September 17, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sofia keber kung ma-link si Kathryn kay Alden: 'Bahala siya, matanda na siya!'

Sofia keber kung ma-link si Kathryn kay Alden: 'Bahala siya, matanda na siya!'
Photo courtesy: Sofia Andres (IG)/Kathryn Bernardo (IG) via Balita

Straight forward ang sagot ng aktres na si Sofia Andres patungkol sa status ng ugnayan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na nagbabalik-tambalan para sa sequel ng "Hello, Love, Goodbye," ang "Hello, Love, Again."

Nakorner si Sofia sa isang event, kung saan natanong nga siya kung anong masasabi niya sa pagkaka-link ng kaibigan kay Alden.

Ayon kay Sofia, wala siyang masasabi rito kundi bahala na siya dahil mature enough na raw si Kath para magdesisyon sa kaniyang love life.

"Ano, bahala siya. I mean, ako as long as she's happy alam mo 'yon, I don't mind," anang Sofia.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

"Respect, hello, matanda na siya," giit pa niya.

MAKI-BALITA: Alden Richards, nanliligaw na raw kay Kathryn Bernardo