May 19, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Miss. Huwag mo akong diktahan!' Cryptic post ni Lyn Ching, inintriga

'Miss. Huwag mo akong diktahan!' Cryptic post ni Lyn Ching, inintriga
Photo courtesy: Lyn Ching (FB)

Nagdulot ng usap-usapan online ang cryptic post ni Lyn Ching, isa sa mga host ng GMA Network morning show na “Unang Hirit,” matapos siyang magbahagi ng makahulugang mensahe sa social media.

Sa kaniyang Facebook post nitong Martes ng hapon, Mayo 19, tila may makahulugang buwelta si Lyn Ching sa isang "Miss" na hindi niya tinukoy ang pagkakakilanlan.

“Miss. Huwag mo akong diktahan. Don’t. Especially since you work directly with politicians," aniya."

Caption naman niya sa mismong post, "I will leave this here for today."

Hindi naman pinangalanan ni Ching kung sino ang pinatatamaan o kung ano ang pinagmulan ng kaniyang mensahe. Gayunman, mabilis itong umani ng atensyon mula sa netizens na agad nagsimulang magbigay ng kani-kanilang haka-haka.

Tsika at Intriga

'Kaya pa ba hija?' Reaksiyon ni Direk Andoy Ranay sa post ni Mika Salamanca, inintriga

May ilang netizens ang nagtanong kung may kaugnayan ba umano ito sa politika o sa isang taong konektado sa mga opisyal ng gobyerno, habang may iba namang naniniwalang maaaring personal na isyu lamang ito.

May mga netizen ding humirit ng "name reveal" kung sino ba ang taong nasa likod ng blind item niya.

Sa kasalukuyan, wala pang karagdagang detalye o paliwanag na inilalabas si Ching hinggil sa naturang post.