October 04, 2024

Home BALITA National

Pilipinas, hindi na babalik sa 'dilim' -- PBBM

Pilipinas, hindi na babalik sa 'dilim' -- PBBM
(Courtesy: Pres. Bongbong Marcos/FB)

Hindi na babalik pa ang Pilipinas sa “dilim” dahil “sumikat na ang araw,” pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang bagong cover photo nitong Linggo, Setyembre 8.

Base sa cover photo ng kaniyang opisyal na Facebook page, makikita ang bandila ng Pilipinas at mga nakaraang larawan ni Marcos na namimigay ng tulong sa mga Pilipino, tulad ng naging pamimigay niya ng ayuda para sa mga nasalanta ng bagyong Carina noong Hulyo, kasama ang ilang miyembro ng kaniyang gabinete.

“Sumikat na ang araw. Hindi na tayo babalik sa dilim,” nakasaad sa cover photo ng pangulo.

Samantala, kumalap naman ng positibo at negatibong reaksyon ang naturang post ni Marcos, tulad na raw mula sa mga umano’y tagasuporta ni Vice President Sara Duterte.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Narito ang ilang mga komento ng netizens:

“God bless you Mr. President BBM thank you.”

“Budol is real,. as VP said karma will hunt all of you.”

“It's very difficult that your VP is saying something against you, but here you are still standing and doing your best to serve the country. Thank you President.”

“Salamat PO FPRRD and my future president Inday Sara Duterte.”

“Tama ipaglaban ang pilipinas inang bayan.”

“Dumidilim na po ang aming paningin dahil sa taas kilo nang bigas.”

“Keep up the good deeds sir Bongbong Marcos ! God bless us all.”

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang pagkabuwag ng “UniTeam” matapos humingi ng tawad ni Duterte sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ni Pastor Apollo Quiboloy dahil humingi raw siya ng tulong para iboto si Marcos noong 2022 national elections.

MAKI-BALITA: VP Sara, humingi ng patawad dahil nakiusap siyang iboto si PBBM noong 2022

Nagbigay rin naman ng reaksyon si Marcos hinggil sa naturang tila pagsisisi ni Duterte na sinuportahan siya nito.

MAKI-BALITA: PBBM, nag-react sa pagsisisi ni VP Sara na nakiusap na iboto siya bilang pangulo

Samantala, nag-viral din kamakailan ang "kadiliman versus kasamaan" dahil sa viral video ni Atty. Harry Roque, kilalang tagasuporta ng mga Duterte at ngayo’y kritiko ng administrasyon, matapos ma-detain ng 24 oras sa House of Representatives dahil umano sa "pagsisinungaling."

KAUGNAY NA BALITA: Ka Leody, nag-react sa 'kadiliman laban sa kasamaan' ni Roque