May 30, 2026

Home BALITA

'May sakit ba siya?' Cardinal Ambo, kinuwestiyon remote participation ni Sen. Bato sa Senado

'May sakit ba siya?' Cardinal Ambo, kinuwestiyon remote participation ni Sen. Bato sa Senado
Photo Courtesy: via MB

Inalmahan ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo “Ambo” Virgilio David ang buwelta ni Sen. Imee Marcos sa mga tumututol sa remote participation sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

“Disenfranchisement ng voters. Ilang milyong tao ang naghalal sa kanila. Mababalewala 'yon if they are not allowed to participate sa Senado," katwiran ng senadora.

Ngunit sa latest Facebook post ni Cardinal Ambo nitong Biyernes, Mayo 29, mas dapat umanong magreklamo ang mga bumoto kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na anim na buwang lumiban sa mga sesyon sa Senado samantalang pinasusuweldo ng taumbayan.

Aniya, “Bakit ‘di siya umattend physically? Bakit siya a-attend online? May sakit ba siya?  Ah, ok, baka arestuhin siya? So kailangan na ring baguhin ang ibig sabihin ng ‘force majeure’ sa Senate Rules?”

Kinuwestiyon din ng Cardinal kung bakit natatakot si Sen. Bato na arestuhin gayong wala naman umanong balidong warrant of arrest, ayon kay Senate President Alan Peter Cayetano.

'Di kami matitinag!' Gabriela Women's Party, sinagot indirect contempt case ni Topacio vs. Elago

“Di ba’t binigyan pa nga siya ng special protective custody na nauwi pa sa putukan porke’t ‘under attack’ daw ang Senado? Di ba’t sinamahan pa nga siya papasok sa Senate Building para makaboto at mabago ang mayorya sa Senado?Di ba’t sinamahan din siya papalabas pagkatapos?” dugtong pa ni Cardinal Ambo.

Matatandaang nagsagawa ng walk-out sa plenary session ang Senate minority bloc noong Martes, Mayo 26, dahil sa tangkang pagmamadali sa isang mahalagang pagbabago sa mga panuntunan ng Senado, lalo na’t mayroon pa umanong mga senador na nais magsalita at magtaas ng mga katanungan sa plenaryo.

Maki-Balita: 'Bakit kailangang madaliin?' Senate minority bloc, nagpaliwanag bakit nag-walk out!